Kasi kahit anong gawin namin walang magbabago
Hindi niyo alam kasi hindi naman nangyari sa inyo
Sinasabi lang namin yun pag wala kayo
Sa tingin niyo hindi namin malalaman you say you understand but you don’t understand
Kahit magsinungaling kayo, ang katotohanan, lagi lumalabas
Kasi kahit gaano niyo kami nakikitang naghihirap, hindi parin kayo magbabago
Naglalaro lang kayo pero hindi niyo alam may nakakasakit na kayo
Bakit natin tinuturing iba ang isa’t isa dahil lang sa kulay you say you understand but you don’t understand
Kahit gaano man kami nagsisikap, kami parin ang tamad
Alam niyo ang mali, pero lagi niyo ginagawa ang mali
Lagi na lang kami ang mali kahit ang totoo kami ang tama you say you understand but you don’t understand
Pwede niyo sabihin ang mga salita na hindi naman pwede sabihin
Na alam niyo ikagagalit namin at ikakasakit ng loob namin
Pero wala naman makakaalam ng sakit na yun kung hindi kami
At kahit lumaban man kami, lagi kami ang talo dahil lang sa kulay namin you say you understand but you don’t understand
Ano ba ang itsura ng tama at maganda?
Bakit masyado tayong pokus sa ating nakikitang kulay at itsura?
Lahat nalang sinasabi, “I’m not racist.” pero bakit buhay parin ang racism you say you understand but you don’t understand